600,000 na ibon sa Pampanga, target katayin ng DA

By Mark Gene Makalalad August 16, 2017 - 01:01 PM

Mula sa 200,000 ibon na original target sa culling, itinaas na sa 600,000 na ibon ang target na idaan sa culling process ng Department of Agriculture.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piniol, kakatayin ang nasa 600,000 na manok na infected ng avian flu sa Pampanga na nasa loob ng 7-kilometer radius zone.

Mismong mga farm owners na kasi aniya na nasa labas ng 1-kilometer radius ang nagsabi na nais nilang maging bahagi ng chicken depopulation.

Paliwanag ni Piñol, nasa 36 poultry farms na ang nag-volunteer na magpakatay ng kanilang mga manok at kanila itong itinuturing na malaking tulong sa paglilinis ng virus sa contained zone.

Sa pinakahuling tala, nasa 73,110 na ibon na ang nakatay ng DA.

TAGS: avian flu, Bird Flu, culling, Radyo Inquirer, avian flu, Bird Flu, culling, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.