Poultry growers sa Pampanga, nakapagtala na ng 80% na sales decline dahil sa bird flu
Mula sa sa 50 percent na pagkalugi sa poultry sales, sumadsad na sa 80 percent ang sales decline ng mga poultry growers sa Pampanga.
Sa isang press conference, sinabi ng United Broilers Raisers Association o (Ubra) na umaaray na ang mga poultry growers sa Central Luzon dahil na rin sa epekto ng avian flu outbreak.
Ayon kay UBRA Pres. Bong Inciong, sa Pampanga, ang dating farm na pinagkukuhanan ng 2,000 manok, ngayon ay nasa 300 manok na lamang ang nakukuha araw-araw at hindi pa ito nauubos.
Dahil sa lower demand, ang farm-gate price ng mga broiler ay bumaba na raw sa P58 per kilogram.
Bukod dito, sumadsad din ang poultry sales sa Tarlac sa 75 percent.
Nadamay na rin daw ang Southern Tagalog na ngayon ay may 20 to 30 sales decline.
Pagtitiyak ng UBRA sa publiko, ligtas pa rin kainin ang mga poultry products basta’t lutuin lamang itong maigi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.