Palasyo binalaan ang mga tiwali sa hanay ng Highway Patrol Group

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014 Slow moving traffic at Edsa  INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Binalaan ng Palasyo ng Malacañang ang mga miyembro ng Highway Patrol Group na magbabantay sa trapiko sa EDSA laban sa pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.

Ipinaalala ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa mga HPG personnel ng Philippine National Police na maraming mga CCTV camera sa EDSA na posibleng makakita sa posibleng paggawa nito ng mga katiwalian.

Partikular na binalaan ni Lacierda ang HPG enforcer laban sa pagtatanim ng ebidensiya gaya ng shabu at pamamaril sa mga motoristang magmamatigas sa kanila.

Hinimok din ni Lacierda na gamitin ng publiko ang kanilang mga cell phone camera para sa pagkuha ng larawan o ebidensiya kontra sa mga makaka-engkwentro nitong tiwaling HPG personnel.

Binigyang diin pa ni Lacierda na alam naman ng HPG na maraming mata ang nakamasid sa kanila sa pagganap sa traffic management bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino.

Read more...