Suspek sa pagnanakaw ng P400,000 na halaga ng pera sa simbahan sa Cebu City, arestado na

Nadakip na ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw ng P400,000 na halaga ng pera mula sa St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo, Cebu City.

CDN Photo

Ang suspek na si Alexander Lumapac, ay hawak na ngayon ng mga tauhan ng Mabolo Police.

Noong linggo ng gabi, tinangay ni Lumapac ang P400,000 na pawang cash donations sa naturang simbahan.

Nang maaresto, nakita sa suspek ang bagong motorsiklo at telebisyon na binili niya mula sa perang ninakaw.

Nakuha din sa kaniya ang P214,000 na cash.

CDN Photo

Ayon kay Senior Supt. Joel Doria, Cebu City Police Office director, si Lumapac ay scholar ng simbahang pinagnakawan.

 

 

 

Read more...