Patung-patong na kaso, isasampa laban sa driver ng mixer na dumagan sa kotse sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2017 - 11:01 AM

MMDA Photo

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng cement mixer na dumagan sa kotse sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide at multiple physical injuries ang isasampa laban kay Jason Muleta, 27-anyos.

Sa ulat ng pulisya, nawalan umano ng preno ang truck kaya’t nagdesisyon ang driver na ibangga ito sa center island pero sa imbes na tumigil sumampa ito sa center island at tumagilid dahilan para mabagsakan ang putting kotse sakay ang mag-anak.

Namatay sa aksidente ang driver ng kotse na si Ulysses Ramos habang naisugod naman sa pagamutan ang kaniyang asawa at tatlo nilang anak.

Ayon kay Muleta, matagal na siyang nagmamaneho ng truck at natutunan niya ang pagmamaneho sa kaniyang ama na dati ring truck driver.

Ang minamaneho naman nitong cement mixer ay nasa Quezon City Police District Traffic Sector 6.

 

 

 

 

 

TAGS: accident, cement mixer, mindanao avenue, mmda, quezon city, accident, cement mixer, mindanao avenue, mmda, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.