Ayon kay BPI Securities analyst Riche Lim, maaring bumagsak hanggang sa P52.50 ang palitan ng piso sa dolyar sa pagtatapos ng taon.
Sa 2018, pwede pa aniyang umabot sa P53 hanggang P54 ang palitan ng piso sa dolyar.
Ngayong araw, nagbukas ang halaga ng piso sa P51.45 mula sa P51.34 noong Lunes.
Naniniwala si Lim na ang patuloy na pag-aangkat ng mga gamit para sa infrastructure programs ng pamahalaan ang nagdudulot ng paghina ng piso.
MOST READ
LATEST STORIES