Mga residente sa Arakan, North Cotabato, binulabog ng malakas na pagsabog

By Mariel Cruz August 16, 2017 - 10:29 AM

Binulabog ng isang malakas na pagsabog ang mga residente na naninirahan sa paligid ng isang state-run university sa bayan ng Arakan sa North Cotabato, madaling araw ng Miyerkules.

Ayon kay Senior Insp. Argie Celeste, hepe ng Arakan Police, iniwan ang pampasabog malapit sa gate sa likod ng Cotabato Foundation College of Science and Technology sa Barangay Doroloman.

Matapos aniya ang pagsabog, nakita sa lugar ang mga debris at shrapnel.

Wala naman aniyang nasugatan sa pagsabog.

Sinabi din ni Celeste na sinusuri pa nila kung anong uri ng pampasabog ang ginamit batay sa narekober na fragments mula sa blast site.

Wala naman aniyang intensyon na makapanakit ang pagpapasabog, at posibleng gusto lamang guluhin ang pagdiriwang ng 50th Foundation Anniversary ngayong linggo.

 

 

 

 

 

TAGS: arakan north cotabato, Cotabato Foundation College of Science and Technology, provincial, Radyo Inquirer, arakan north cotabato, Cotabato Foundation College of Science and Technology, provincial, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.