COMELEC, nangakong itatama ang pagkukulang noong 2010 at 2013 Elections

By Ricky Brozas September 02, 2015 - 08:31 PM

Andres-Bautista-0515
Inquirer file photo

Aminado si Comelec Chairman Andres Bautista na may mga naging pagkukulang ang poll body noong 2010 at 2013 elections.

Ginawa ni Bautista ang pahayag makaraang kuwestiyunin siya ni Senador Juan Ponce Enrile tungkol dito sa pagdinig ng Commission on Appointments kaugnay ng hindi nai-transmit na 12 milyong boto direkta mula sa mga polling precincts.

Tiniyak ni Bautista na ginagawan na nila ng paraan kung paano maiiwasan ang kahalintulad na problema at kung paano mapaghuhusay ang transmission rate sa Eleksyon 2016.

Noon kasing 2013, nasa 77 percent lamang ang transmission rate ng mga resulta ng boto.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa mga pangunahing telecommunications company na Smartmatic at Globe kung paano mapaghuhusay ang electronic transmission ng mga boto sa 2016.

Noong 2013, ang mga compact flash card o CF cards ng mga PCOS machine mula sa mga presinto na hindi nakapagtransmit ng boto ay dinadala sa municipal board of canvasser na mag-a-upload ng resulta ng boto at maisama sa canvassing system.

TAGS: comelec, Radyo Inquirer, comelec, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.