2 farm workers sa Pampanga, negatibo na sa bird flu

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2017 - 10:18 AM

Kuha ni Jomar Piquero

Negatibo ang resulta ng pagsusuri sa dalawang poultry workers mula sa San Luis, Pampanga na nauna nang nakitaan ng flu-like symptoms.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial, sa labing apat na 14 farm workers na sinuri ang kalusugan, ang dalawa ay kinailangang i-isolate matapos makitaan ng sintomas ng flu.

Kinuhanan ng sample ang dalawa na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at base sa resulta ng pagsusuri ay negatibo sila sa human influenza.

Ang dalawang farm workers ay maari nang makabalik sa trabaho ayon kay Ubial.

At upang makatiyak, binigyan din sila ng anti-viral na prophylaxis upang magtuluy-tuloy na ang kanilang paggaling.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: avian flu, Bird Flu, doh, Radyo Inquirer, san luis pampanga, avian flu, Bird Flu, doh, Radyo Inquirer, san luis pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.