Top 5 most wanted patay sa buy-bust sa QC; isa pa ang nasawi sa pananambang

By Jong Manlapaz August 16, 2017 - 08:04 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawang hinihinalang drug suspect ang napatay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, Miyerkules ng madaling araw.

Unang napatay si alyas Junior na top 5 most wanted drug personality.

Hindi na umabot ng buhay sa Delos Santos Hospital si Junior, matapos siyang mapatay ng mga pulis sa bahagi ng Pulong Dyablo, Barangay Tatalon, E. Rodriguez Avenue.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 na si Supt. Christian Dela Cruz, nagkasa ng buy-bust operation ang kanilang station drug enforcement unit o SDEU laban sa suspek nang bigla itong makatunog na pulis ang kanyang katransaksyon.

Agad na bumunot ng baril si alyas Junior at nakipagbarilan sa mga otoridad na nagresulta sa kanyang kasawian.

Kuha ni Jong Manlapaz

Samantala, pinagbabaril naman ng riding in tandem sa bahagi ng Mapagbigay Street, Brgy. Pinayahan, Quezon City ang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa hepe ng QCPD Station 10 na si PSupt. Pedro Sanchez, dalawang hindi nakilalang lalake na naka-helmet at lulan ng isang motorsiklo ang sinasabing humabol sa biktima.

Hinala ng pulisya, may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaslang makaraang makuhanan ng limang sachet ng hinihinalang shabu ang biktima.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, buy bust operation, drug suspects, metro, ambush, buy bust operation, drug suspects, metro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.