Kampo ng NPA sa Leyte, nabawi ng militar

By Kabie Aenlle August 16, 2017 - 05:51 AM

Nakubkob ng mga sundalo mula sa 78th Infantry Battalion ang isang kampo ng New People’s Army (NPA) sa  kahapon.

Ayon kay 78th IB commander Lt. Col. Danilo Dupiag, nagpapatrulya ang kaniyang mga tauhan sa Barangay Roxas sa bayan ng Burauen nang madiskubre nila ang nasabing kampo ng NPA.

Nauwi ito sa bakbakan na tumagal ng 20-minuto, bago mag-pulasan sa kakahuyan ang mga rebelde.

Wala naman aniyang nasaktan sa panig ng pwersa ng gobyerno, pero posibleng may nasugatan sa mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa pinangyarihan ng bakbakan.

Nakita ng mga sundalo sa loob ng kampo ang isang sako ng bigas, isang backpack na naglalaman ng mga dokumento at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

TAGS: Barauen, leyte, Militar, NPA, Barauen, leyte, Militar, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.