Ozamiz City, mas uunlad na ayon kay Espenido

By Kabie Aenlle August 16, 2017 - 05:47 AM

Naniniwala si Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido na mas uunlad ang Ozamiz City tulad ng Cebu City sa pagbagsak ng pamilya Parojinog.

Ayon kay Espenido, mas lalabas ang potensyal ng Ozamiz City ngayong wala na ang makapangyarihang political clan.

Aniya, matagal nang nilalabanan ng mga pinuno ng Philippine National Police (PNP) ang mga Parojinog ngunit hindi nila ito napagtatagumpayan.

Pero dahil aniya sa tulong ng Panginoon ay nagawa na nila ito at naisakatuparan na ang hustisya.

Samantala, kaugnay naman sa mga kasong murder at serious illegal detention na isinampa laban sa kaniya at tatlong iba pang pulis, iginiit ni Espenido na hindi totoo ang mga paratang sa kanila.

Ani pa Espenido, pawang harassment lang ang ginagawa sa kanila dahil ginagawa lang naman nila ang kanilang tungkulin nang isagawa nila ang operasyon laban sa mga miyembro ng Martilyo Gang noong Hunyo.

Si Espenido rin ang namuno sa madugong raid laban sa mga Parojinog na ikinasawi ng kanilang padre de pamilya na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog, misis nito at 14 iba pa noong Hulyo.

TAGS: espenido, mas uunlad, ozamiz city, espenido, mas uunlad, ozamiz city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.