Kenneth Dong, iniharap sa DOJ dahil sa kasong rape

By Khyz Soberano August 16, 2017 - 03:39 AM

Kuha ni Khyz Soberano

Iprinisenta ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Department of Justice (DOJ) si Kenneth Dong matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation sa Senado dahil sa kasong rape.

Hinalay umano ni Dong sa isang townhouse sa Parañaque ang isang businesswoman na sinasabing galing sa party at lasing noong April 2016.

Dati nang naglabas ng warrant of arrest para kay Dong, ngunit ito ay nakapangalan sa isang Dong Yi Shin Shee, na tunay na pangalan ni Kenneth Dong, kaya’t hindi nila ito naaresto.

Lumabas naman noong June 30 ang ikalawang warrant na nakapangalan na sa alyas na Kenneth Dong.

Nalaman nilang iisang tao lang ang may kasong rape at ang humaharap sa senado matapos magsabi ang isang agent na berepikahin ang impormasyon tungkol kay Dong.

Dumaan na sa booking procedure si Dong kahapon sa NBI at dadalhin siya sa Parañaque Regional Court kahapon.

Depensa ng abogado ni Dong na si Attorney Carla Frias, inosente at handang humarap sa anumang proseso ang kanyang kliyente.

Isa rin si Kenneth Dong sa mga respondent sa alegasyon ng mahigit anim na bilyong shabu shipment mula China.

Sa kasalukuyan ay nakaditine si Dong sa NBI.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.