Updated drugs watchlist, iniipon na ulit sa Maynila
Ipinagutos ng Manila Barangay Bureau ang buwanang pagsusumite ng mga Punong Barangay ng updated list ng drug personalities sa kanilang nasasakupan hanggang katapusan, August 30.
Ito ay matapos mabigong sumunod ng mga barangay sa naunang memorandum na inilabas ng Manila Barangay Bureau noong July 5 at August 4.
Kaugnay ng nasabing pagsusumite ng listahan ay ang DILG Memorandum Circular No. 2015-63 o ang Revitalization of the Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) and their Role in Drug Clearing Operations.
Ipapasa ng Manila Barangay Bureau ang listahan sa PDEA limang araw matapos magsumite ng mga Punong Barangay at sisiguraduhin umano nila na mananatili itong confidential.
Ito na rin umano ang huling paalala ng kawanihan na haharap na sa administrative case at iba pang parusa ang sino mang opisyal ng barangay na hindi susunod dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.