NolCom, handa na sakaling matuloy ang missile attack ng North Korea

Naka-alerto na ang Northern Luzon Command (NolCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad na ituloy ng North Korea ang paglulunsad nito ng missile patungong Guam.

Ayon kay AFP public affairs Chief Col. Edgard Arevalo, ang Northern Luzon ang posibleng pinaka-maapektuhan sakaling mauwi sa totohanan ang tensyon sa pagitan ng North Korea at Estados Unidos.

Bagaman hindi naman kasali ang Pilipinas sa gulo ng dalawang nasabing bansa, tiniyak rin ni Arevalo na handa ang AFP sa anumang posibleng mangyari.

Sakali aniyang ituloy ng North Korea ang missile attack sa Guam, may contingency plan for evacuation na ang NolCom.

Paliwanag ni Arevalo, sinabi ng ilang eksperto na posibleng bumagsak sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang mga missile debris kapag nangyari na ang pag-atake.

Kasama na rin sa kanilang paghahanda ang posibilidad ng paglikas sa mga Pilipino mula sa Guam sakaling magdesisyon ang gobyerno na i-repatriate ang mga ito.

Read more...