Hindi exercise in futility ang substitute bill ng Senado sa Bangsamoro Basic Law.
Buwelta ito ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pahayag ni Atty. Rene Saguisag.
Ayon kay Marcos, Chairman ng Senate Committee on Local Government, opinyon lamang ito ni Sagiusag.
Nanindigan si Marcos na tama ang kanyang substitute bill at pinipilit na ayusin ang panukala para maging katanggap-tanggap hindi lang sa MILF kundi maging sa lahat ng stakeholder.
Una rito, binatikos ni Saguisag ang substitute bill ni Marcos sa BBL dahil ang pagbabawal na kontrolin ng Bansamoro Region sa exploration sa mineral at pagkontrol sa inland ay kasalukuyang umiiral na sa ARMM.
Igiiit pa ni Saguisag na hindi na ito kailangan sa bagong BBL dahil kaya nga bumalangkas ng panibagong batas ay para hindi na maulit ang pagkakamali.
Pero ayon kay Marcos ginagawa lamang niya ang tingin niya ay tama at naayon sa saligang batas.