Wala umanong plano ang Senado na ipursige ang pag-imbestiga sa umanoy pagkakadawit ng pangalan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa naipuslit na P6.4 Billion na halaga ng shabu mula sa Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, puro hearsay lamang at wala naman umanong anumang impormasyon na direktang magtuturo kay Vice Mayor Duterte sa anumang involvement nito sa drug smuggling
Bagaman, inamin ni Gordon na posible na mayroong Davao group na nagmamanipula at nag-ooperate sa BOC, iginiit nito na dapat ay may matibay na ebidensyang magpapatunay sa pagkakasangkot ng isang indibidwal bago ito imbestigahan ng Senado.
Samantala, inaresto ng NBI si Kenneth Dong, ang alleged middleman ng nakapuslit na shabu dahil naman sa kasong rape sa Paranaque City.
Dinampot si Dong kanina pagkatapos ng pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee base na rin sa pahayag ni NBI Director Dante Guerran.
Si Dong ay kaagad na dinala sa tanggapan ng NBI sa Maynila para doon ikulong.