Pagkamatay ng 21 drug suspects sa Bulacan iimbestigahan ng PNP-IAS
Tiniyak ng PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) na iimbestigahan nila ang ginawang bigtime anti-drug operation ng Bulacan Provincial Police Officer na nagresulta sa kamatayan ng 21 mga drug personalities.
Sinabi ni PNP Spokesman CSupt. Dionardo Carlos na gagawin ng PNP-IAS ang imbestigasyon ng kahit na wala pang humihiling na gawin ang nasabing pagsisiyasat o motu proprio.
Ipinaliwanag pa ni Carlos na isang standard operating procedure naman ang imbestigasyon lalo na sa mga malalaking operasyon ng PNP.
Hindi rin umano maituturing na “over kill” ang operasyon kahit na umabot sa 21 ang ma napatay maliban pa sa 64 na mga arestadong drug suspects.
Dahil sa lawak ng operasyon at magkakahiwalay na mga lugar ay normal lang umano na marami ang casualties.
Nagsimula ang simultaneous police operations ng Bulacan PNP alas-siyete ng gabi araw ng Lunes at natapos lamang kaninang alas-otso ng umaga araw ng Martes.
Kabilang sa kanilang sinalakay ay ang hideout ng mga kilalang drug pusher sa lalawigan kung saan ay nakarekober ang mga otoridad ng mahigit sa 100 gramo ng shabu.
Nakakumpiska rin ang mga tauhan ng PNP ang maraming mga armas at bala sa kanilang mga ginawang pagsalakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.