Resignation ng mga BOC officials palabas lang ayon kay Gordon
Kinuwestyon ni Sen Richard Gordon ang ihinaing resignation nina Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service Director Col. Neil Estrella at Import Assessment Services Director Milo Maestrecampo.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa nakalusot ng P6.4 Billion na halaga ng shabu sa Aduana, nilinaw ni Gordon na ang courtesy resignation nina Estrella at Maestrecampo ay subject pa sa approval ng appointing authority na walang iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinupunto ni Gordon na bahagi pa rin ng BOC ang dalawa lalo at di naman tinanggap ng pangulo ang pagbibitiw ng mga ito.
Alam naman umano ng nasabing mga opisyal na hindi tatanggapin ng pangulo ang kanilang pagbibitiw sa pwesto.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado ay itinanggi ni Maestrecampo na may kinalaman siya o kapabayaan sa paglusot ng higit sa kalahating toneladang shabu sa BOC.
Iginiit pa rin ni RMO o Risk Manegment Office Chief Larribert Hilario na tinawagan niya ng pansin si Maestrocampo hinggil sa kaduda dudang shipment pero hindi ito inaksyunan ng nasabing opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.