Liberal Party nag-survey, panalo si Roxas

By Isa Avendaño-Umali September 02, 2015 - 07:24 PM

30_roxasBinay-660x495Lalampasuhin ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas si United Nationalist Alliance o UNA Presidential bet Jejomar Binay kung “one-on-one” ang magiging laban nila sa pampanguluhang halalan.

Ito ay batay sa resulta ng internal survey na isinagawa ng LP sa buong bansa, kung saan 1,200 ang naging respondents.

Sa naturang survey na kinomisyon ng LP sa isang hindi binanggit na firm, 53 percent ng mga respondent ang pabor kay Roxas, samantalang 37 percent ang para kay Binay at nasa 10 percent naman ang undecided.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, na tumatayong chairman ng LP Political and Electoral Affairs, ang resulta ng survey ay patunay na mabigat ang epekto ng endorsement ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kinumpirma naman ni Erice na hindi nila sinama ang ibang Presidentiables tulad nina Senadora Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte, dahil hindi pa raw kapwa nag anunsyo ng kandidatura ang dalawa.

TAGS: Liberal party survey, Radyo Inquirer, roxas beats vp binay, Liberal party survey, Radyo Inquirer, roxas beats vp binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.