Customs Commissioner Nicanor Faeldon, humarap na sa pagdinig ng Senado
Dumalo na si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa isinasagawang imbestigasyon ng senate blue ribbon committee sa pagkakapuslit ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa mula sa China.
Noong nakaraang linggo, isinugod at na-confine si Faeldon sa isang ospital sa Taytay Rizal, matapos atakihin sa puso.
Ayon kay Faeldon, hindi niya sinadyang magpa-confine, at mismong ang kanyang doctor ang nag-utos sa kanya nito.
Muli naman iginiit ni Faeldon na hindi siya tumatanggap ni isang kusing habang nagseserbisyo sa Bureau of Customs (BOC).
Sinabi din ng Customs Commissioner na gusto niyang malaman kung sinu-sino ang mga sangkot sa shabu shipment, at sakaling mabatid na kung sino ay pakakasuhan niya ito.
Nirerespeto naman ni Faeldon ang panawagan ng ilang mambabatas na siya ay bumaba na sa puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.