21 drug suspects patay sa nakalipas na magdamag sa Bulacan

By Chona Yu August 15, 2017 - 11:54 AM

Patay ang 21 drug suspects sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa labingpitong bayan sa lalawigan ng Bulacan sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., provincial police director ng Bulacan Police, maliban sa 21 na nasawi, 64 na iba pa ang nearest sa isinagawang one-time big-time operation ng pulisya bitbit ang 26 na search warrants.

Sinimulan ang operasyon, Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga.

Isinagawa ang mga buy bust operation sa mga sumusunod na bayan sa Bulacan:

– Marilao
– Obando
– Pulilan
– Balagtas
– San Miguel
– Plaridel
– Guiginto
– Norzagaray
– Malolos
– San Jose Del Monte
– Sta Maria
– Baliwag

Nakuha mula sa isinagawang operasyon ang aabot sa 21 mga armas na kinabibilangan ng labingpitong caliber 38, dalawang improvised shotgun, isang 9MM at isang caliber 32

Mahigit 100 gramo naman ng shabu ang nasabat mula mga sinalakay na lugar.

 

 

 

 

TAGS: anti illegal drugs operation, Bulacan, Radyo Inquirer, shabu, War on drugs, anti illegal drugs operation, Bulacan, Radyo Inquirer, shabu, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.