Guam, hindi muna aatakihin ng NoKor, magiging aksyon ng US sa susunod na mga araw, babantayan
Matapos matanggap ang report at makita ang plano sa missile attack sa Guam, sinabi ni North Korean leader Kim Jong-un na babantayan na lamang muna niya ang mga magiging hakbang ng Estados Unidos bago magpasya kung kailan gagawin ang missile attack.
Sa ulat ng Korean Central News Agency, nagpasya umano ang North Korean leader na antabayanan muna ang mga magiging susunod na hakbang ng US gayundin ang mga pahayag ni President Donald Trump.
Ngayong araw ay nagsagawa ng inspeksyon si Kim sa command ng North Korean Army at pinag-aralan ang planong pag-atake sa Guam.
Sinabi umano ni Kim na kung magpapatuloy ang mapanganib na hakbang laban sa Korean peninsula at bisinidad nito, ang North Korea ay maglalabas na ng mahalagang desisyon hinggil sa pag-atake.
Sa kabila ng pasya ni Kim, inatasan pa rin nito ang militar na lagging maging “fire-ready” sakaling magpasya siya na ituloy ang pag-atake sa Guam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.