Maagang nagka-aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), Martes ng umaga, August 15.
Sa abiso ng MRT, alas 5:52 ng umaga nang itaas ang category 3 ang status ng biyahe ng tren.
Ito ay makaraang makaranas ng technical problem ang isa nilang tren sa bahagi ng Ortigas station Southbound.
Pinababa ang mga pasahero ng depektibong tren at pinasakay na lang sa kasunod.
Kahapon, nakaranas din ng aberya sa biyahe ng MRT.
Alas 4:19 ng hapon nang magpatupad ng provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations at pabalik ang may biyahe.
Alas 5:43 na ng hapon nang maibalik sa normal ang serbisyo ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.