Planong pag-atake ng NoKor sa Guam, naiprisnta na kay Kim Jong-un

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2017 - 08:02 AM

EPA AFP Photo

Ipinrisinta na kay North Korean leader Kim Kong-un ang planong pag-atake sa Guam.

Ang missile strikes plan ay ipinrisinta ng North Korean military kay Kim na masusi namang inaral ang plano.

Isinagawa ang presentasyon nang mag-inspeksyon ang North Korean leader sa command ng Strategic Force ng NoKor.

Ang Guam ay target na atakihin ng NoKor dahil naroroon ang air at naval bases ng Amerika.

Una nang sinabi ng North Korea military na sa kalagitnaan ng Agosto ay tapos na nila ang plano para sa pagpapakawala ng apat na intermediate-range ballistic missiles sa Guam.

 

 

 

TAGS: foreign, Guam, missile attack, north korea, Radyo Inquirer, usa, foreign, Guam, missile attack, north korea, Radyo Inquirer, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.