Uber Philippines, tumalima sa utos na suspensyon ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2017 - 06:42 AM

Inanunsyo ng Uber Philippines ang pagpapatupad nila ng temporary suspension sa kanilang operasyon.

Sa abiso ng Uber, epektibo alas 6:00 ng umaga ng Martes, August 15, ang suspensyon.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ng Uber na batid nilang magdudulot ito ng matinding epekto sa kanilang libu-libong riders at driver at humihingi sila ng paumanhin sa mga ito.

“In compliance with the LTFRB order issued on August 14, 2017, we are temporarily suspending operations starting at 6:00am, Tuesday August 15th. We understand that this will impact thousands of riders and drivers, and we apologize for the inconvenience this will cause,” ayon sa pahayag ng Uber.

Tiniyak ng UBER na ginagawa nila ang lahat para maresolba sa lalong madaling panahon ang problema.

Ipinataw ang suspensyon matapos na mapatunayan na patuloy sa pagtanggap ng driver at operator ang Uber kahit naka-hold ang pag-iisyu ng certificate ng LTFRB.

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, TNVS, transportation, Uber, Radyo Inquirer, TNVS, transportation, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.