Stock prices ng poultry, apektado rin ng bird flu outbreak

By Jay Dones August 15, 2017 - 04:29 AM

 

Bumaba ang halaga ng shares ng maraming mga kumpanyang may kinalaman sa negosyo ng manukan o poultry sa trading kahapon dahil sa epekto ng bird flu outbreak sa lalawigan ng Pampanga.

Sa pagsasara ng trading sa Philippine Stock Exchange kahapon, marami rin sa mga naapektuhan ay mga agrifeeds companies na nakasentro sa pag-manufacture ng poultry productsa at poultry processing.

Kabilang sa naapektuhan ay ang Vitarich na bumagsak ng 5.88 percent ang halaga ng stocks.

Ito’y sa kabila ng pahayag ng kumpanya na wala silang farm na matatagpuan sa bayan ng San Luis sa Pampanga na sinasabing pinagmulan ng avian influenza virus.

Bahagya ring bumaba ang halaga ng stocks ng Purefoods at San Miguel na pawang may mga poultry products sa merkado.

Ang Purefoods ay bumaba ng 3.17 percent samantalang ang SMC naman ay 0.2 percent.

Kapwa na rin tiniyak ng dalawang kumpanya na hindi apektado ng bird flu ang kanilang mga chicken products.

Maging ang ilang mga restaurant na nagbebenta ng mga chicken products ay nakaranas rin ng bahagyang pagbaba ng kanilang stocks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.