Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na

By Justinne Punsalang August 15, 2017 - 04:06 AM

 

Simula na ngayong araw ang panibagong dagdag-bawas sa mga presyo ng mga produktong petrolyo.

Unang nag-anunsyo ang kumpanyang Flying V ng kanilang pagtataas at pagtatapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Simula alas dose uno ng hatinggabi kanina, August 15, ay nagtaas ng P0.45 kada litro ang gasolina.

Samantala, bababa naman ng P0.10 sentimo kada litro ang kanilang bio diesel at kerosene.

Alas-6:00 naman ng umaga, magsisimula ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ng iba pang mga kumpanya ng langis gaya ng Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT, Seaoil, Shell, at Phoenix Petroleum.

Sampung sentimo kada litro ang matatapyas sa diesel at kerosene, habang magdadagdag naman ang mga naturang kumpanya ng apatnaput limang sentimo kada litro para sa gasolina.

Ito na ang ikatlong beses na nagtaas ang halaga ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Agosto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.