4 na hepe ng CALABARZON police, sinibak dahil sa pagkabigong mapigil ang iligal na sugal

 

Nabigo ang apat na mga hepe ng Police Regional Office 4A o CALABARZON sa kampanya laban sa iligal na sugal.

Ito ang naging dahilan ng kanilang pagkakatanggal sa pwesto.

Sina Superintendent Ronan Claraval ng San Pablo, Laguna, Superintendent Zaric Soriano ng San Pedro, Laguna, Superintendent Carlos Barde ng Lipa, Batangas, at Superintendent Giovanni Zibalo ng Sto. Tomas, Batangas ang mga sinibak na hepe ng pulisya.

Ayon sa Regional Director ng PRO-CALABARZON na si Chief Superintendent Mao Aplasca, nagbigay siya ng sapat na panahon sa apat na mga hepe upang mapatigil nila mga iligal na sugalan kagaya ng jueteng sa kanilang mga nasasakupan, ngunit hindi nila nagampanan ang kanilang trabaho.

Kasunod nito ay binalaan ni Aplasca ang iba pang hepe sa CALABARZON na hindi siya magdadalawang isip na tanggalin sila sa pwesto kung magpapatuloy ang operasyon ng iligal na sugal sa kanilang mga nasasakupan.

Read more...