Comelec gumastos na ng P200M sa paghahanda sa Brgy at Sk elections

By Erwin Aguilon August 14, 2017 - 04:21 PM

Inquirer file photo

Umakyat na sa halos P200 Million ang nagagastos ng Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa nakatakdang SK at Barangay elections sa buwan ng Oktubre.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni Zita Buena-Castillon, Finance Director ng Comelec na umabot na sa P197.76M ang nagagastos para sa paghahanda sa nasabing halalan.

Mayroon naman anyang P1.3 Billion ang nailan na sa iba pang gastuhin.

Nasa P6 Billion pa naman ang natitirang budget ng komisyon para sa SK at Barangay election sa Oktubre.

Ayon naman kay Comelec Commissioner Arthur Lim na nagsimula na silang mag-imprenta ng balota noong ika-9 Agosto ng kasalukuyang taon at sa ngayon ay nasa 14,000 balota na ang naimprenta.

Nagpapatuloy pa rin anya ang kanilang procurement ng mga forms at equipment na gagamitin sa eleksyon.

Paliwanag ni Lim, patuloy ang kanilang trabaho lalo’t wala pa namang naipapasang batas na nagpapahinto sa halalan.

Dagdag nito, hanggang walang batas na napapasakamay nila kaugnay sa pagpapaliban ng eleksyon sa Oktubre ay magpapatuloy sila sa paghahanda sa SK at Barangay Elections.

 

Sa ngayon, mayroong mahigit 42,000 barangay sa Pilipinas.

TAGS: bautista, brgy and sk elections, comelec, Congress, bautista, brgy and sk elections, comelec, Congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.