Mga editor ng PNA pinasisibak matapos pumalpak sa ginamit na logo ng DOLE
Hinamon ngayon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone si Communication Secretary Martin Andanar na sinabkin na sa puwesto ang mga editor ng Philippine News Agency na responsable sa mga kapalpakan.
Sinabi ni Evardone na hindi katanggap-tanggap ang paulit-ulit na sablay ng web-based newswire service ng pamahalaan na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office.
Ang mali-mali anyang impormasyon na lumalabas sa PNA at nagpapakita lamang na hindi kwalipikado ang mga editor nito.
Binigyang diin ng mambabatas na bilang government website dapat ay tama ang mga inilalabas nitong impormasyon sa publiko dahil sumasalamin sa pamahalaan ang anumang lumalabas dito.
Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kasunod ng paggamit ng PNA ng logo ng DOLE Philippines sa halip na ang sa Department of Labor and Employment may kaugnayan sa holidays pay rules sa taong 2018.
Nauna rito, binatikos na rin ang PNA dahil naman sa pagpopost ng opinyon ng Xinhua News Agency ng China laban sa arbitration ruling sa West Philippine Sea at marami pang hindi tamang mga balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.