Payo ng kapatid kay Chairman Andres Bautista: “Magpakamatay ka na, kung totoo ang mga alegasyon”

By Mariel Cruz August 14, 2017 - 11:23 AM

“Pakamatay ka na kung totoo”.

Ito ang naging payo kay Commission on Election chairman Andres Bautista ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki sakaling totoo ang alegasyon ng kurapsyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Martin Bautista na naniniwala siyang hindi sangkot sa katiwalian ang kanyang kapatid lalo na’t mismong ang Comelec chief ang nagsabi na hindi totoo ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya.

Binanggit din ni Martin na pinagsabihan niya ang kanyang nakababatang kapatid na masama ng kurapsyon.

Mataas ang kumpiyansa ni Martin na hindi nagsisinungaling ang Comelec chief sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN na salungat sa mga pasaring ng kanyang asawa na si Patricia.

Mahirap aniyang alamin kung totoo o peke, o kung gawa-gawa na lamang ang mga dokumentong inilabas ni Patricia na nagpapakita ng umano’y ill gotten wealth ni Comelec chairman Bautista.

Mariing pinabulaanan din ni Martin ang mga alegasyon na tumanggap umano ang kanyang kapatid ng komisyon mula sa Smartmatic na service provider ng Comelec sa nakaraang 2016 national elections.

Hindi rin dapat aniyang pagbatayan ang mga akusasyon na ibinabato sa kanyang kapatid para mabahiran ang kredibilidad ng nagdaang eleksyon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: andres bautista, comelec, martin bautista, Radyo Inquirer, andres bautista, comelec, martin bautista, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.