1 pang construction worker, nakatakas din sa kamay ng Abu Sayyaf

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2017 - 10:58 AM

Inquirer Photo | Julie Alipala

Nakatakas mula sa pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group ang ikaapat na construction worker na dinukot kamakailan sa Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, si Edmundo Ramos ay natagpuan sa Barangay Tapiantana sa Basilan, Lunes ng madaling araw.

Sinabi ni Sobejana na nagawa ni Ramos na makatakas mula sa kaniyang mga abductors.

Isa si Ramos sa apat na manggagawa na dinukot ng mga bandido sa Provincial Sports Complex sa Barangay Bangkal sa bayan ng Patikul noong July 15.

Ang tatlong pang construction workers na sina Jason Pon Vailoces, Joel del Mesa Adanza at Filemon Francisco Guerrero Jr. ay nakatakas rin noong nakaraang linggo.

 

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, construction worker, hostage victim, Radyo Inquirer, Sulu, Abu Sayyaf, construction worker, hostage victim, Radyo Inquirer, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.