50, arestado sa Oplan Galugad sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2017 - 10:53 AM

Magdamag na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Manila Police District sa Sta. Ana Maynila.

Umabot sa 50 katao ang dinala sa himpilan ng pulisya na pawang lumabag sa ordinansa ng lungsod.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga nahuli ay mga nag-iinuman at nagsusugal sa kalsada.

Dahil sa dami ng dinala sa presinto, halos mapuno ang Sta. Ana police station.

Agad na pinalaya ang mga first time offenders habang ang mga napatunayan na ilang beses nang nahuli sa Oplan Galugad ay pinanatili sa himpilan ng pulisya.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 50 arrested, city ordinance, curfew ordinance, manila, Oplan Galugad, 50 arrested, city ordinance, curfew ordinance, manila, Oplan Galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.