17 ang patay sa terrorist attack sa restaurant sa Burkina Faso
Patay ang labingpitong katao matapos atakihin ng isang lalaki ang Turkish restaurant sa Burkina Faso sa West Africa.
Wala pang grupo na umaako sa pag-atake pero hinihinalang jihadists ang suspek.
Ayon sa mga saksi, bigla na lamang namaril ang suspek dahilan para agad rumesponde ang mga otoridad.
Ayon kay Police spokesman Capt. Guy Ye, tinarget ng pag-atake ang Turkish restaurant na ‘Aziz Istanbul’.
Noong January 2016m naganap ang maititiring na deadliest attack sa Burkina Faso, matapos na 30 ang nasawi sa pag-atake sa isang café.
Ang nasabing pag-atake ay inako ng grupong al-Qaida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.