Pagkatay sa daan-daan libong manok sa Pampanga, aabutin pa hanggang Biyernes

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2017 - 09:54 AM

Magtatagal pa hanggang Biyernes ang nagpapatuloy na pagkatay sa mga manok sa Pampanga.

Ayon kay Pampanga Gov. Lilia Pineda, sakop ng ginagawang pagkatay ang mga manok na nasa 1 kilometer radius ng apektadong farm sa bayan ng San Luis.

Maliban sa manok, kinakatay din ang mga bibe at pugo.

“Naka-kurdon na ang 1km radius niyan, at pinapatay na ang mga manok, bibe, pugo. Siguro aabutin pa hanggang Biyernes ang pagkatay or sana matapos ng mas maaga,” ayon kay Pineda sa panayam ng Radyo Inquirer.

Samantala, sinabi naman ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol na nasa 28,000 na ang nailibing na mga manok.

Sa kabuuan, 200,000 ang target ng DA na makatay.

 

 

 

 

 

TAGS: avian flu, Bird Flu, poultry farm, avian flu, Bird Flu, poultry farm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.