Tricycle, bumangga sa nakaparadang truck sa Maynila; mga estudyanteng sakya, nasugatan

Kuha ni Ricky Brozas

Sugatan ang apat na sakay ng isang tricycle nang bumangga sa nakaparadang police truck ng Manila Police District sa U.N. Avenue sa lungsod ng Maynila.

Nangyari ang aksidente pasado alas 6:00 ng umaga ng Lunes, kung saan pawang mga estudyante ang sakay ng tricycle na minamaneho ni Agie Ramon.

Kuwento ni Ramon na umaming student permit lamang ang kanyang lisensya sa pagmamaneho, may iniwasan siyang kotse dahilan para mabilis niyang maikabig ang manibela at dahil sa bilis din ng takbo ng kaniyang sasakyan ay dumire-diretso siya sa nakaparadang truck.

Dahil sa lakas nang impact nang pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang babaeng pasahero na nakasakay sa likod ng driver.

Maging ang driver na si Ramon ay nagtamo rin ng sugat sa mukha at leeg at pilay sa kanang braso.

Duguan din ang dalawang pang estudyante na nakaupo naman sa loob ng tricycle.

Ayon sa isa sa mga pasahero na si Angelica Ramirez, mabilis ang takbo ng tricycle kaya sila nadisgrasya.

Maging ang naglakakad lamang sa kalye na si Lira Mundac ay nahagip din ng tricycle.

Nagtamo din siya ng sugat at pilay kaya hindi na nakapasok sa trabaho.

Galing ng Otis ang tricycle at papunta sa direksiyon ng Taft Avenue ang tricycle nang maganap ang aksidente.

Samantala, dismayado naman ang mga pulis ng MPD na umasiste sa mga sugatang biktima sa pagtanggi ng Medical Center Manila na kunin sa pamamagitan ng ambulansiya ang mga sugatang biktima.

Sinabi raw kasi ng pagamutan na dalhin na lamang sa kanila ang mga biktima kaysa maglabas pa ng ambulansya.

Narito ang ulat ni Ricky Brozas:

 

 

 

 

 

 

 

Read more...