CIA, hindi na magugulat sa posibleng bagong missile test ng NoKor
Hindi na ikagugulat ng United States Central Intelligence Agency (CIA) kung magsasagawa muli ng missile test ang North Korea.
Ayon kay CIA Directory Mike Pompeo, naniniwala siyang patuloy na susubukan ni North Korean leader Kim Jong Un na i-develop pa ang kaniyang missile program kaya hindi na niya ipagtataka pa kung isabak niya ulit ito sa test.
Lalo pa aniya na nagawa nang magsagawa ng dalawang missile tests ng NoKor noong Hulyo, at ngayon pang lalong umiigting ang tensyon sa pagitan ng US at ng North Korea.
Una nang sinabi ng North Korea na matatapos na nila ngayong Agosto ang mga plano na maglunsad ng apat na intermediate-range missiles na babagsak malapit sa Guam.
Tiniyak naman ni US President Donald Trump na handa na ang kanilang military solutions sakaling ituloy ito ng NoKor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.