Ayon kay House ways and means committee chair Rep. Dakila Carlo Cua, kailangang pawang mga tauhan na maalam sa “highly technical details” sa kawanihan lang ang maitalaga bilang mga opisyal.
Aniya, kailangang magkaroon ng criteria sa mga opisina kung saan hindi pwedeng hindi mo alam ang sistema.
Bagaman naniniwala si Cua na isang “tough military man” si Customs Commissioner Nicanor Faeldon at hindi madaling masindak, hindi ito sapat dahil kailangan talaga ng isang taong tunay na nakaka-unawa sa sistema.
Kasabay nito ay nais rin imungkahi ng komite na magkaroon ng “overhaul” o “revamp” sa BOC oras na lumabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 halaga ng iligal na droga sa bansa.