BIR, mag-iimbestiga na rin sa alegasyon laban kay Comelec chair Bautista

 

Papasok na rin sa imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa alegasyon ng umano’y bilyong pisong undeclared assets ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Nagkausap na sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at BIR Commissioner Cesar Dulay at pinag-usapan na ang ‘parameters’ ng gagawing imbestigayon.

Bukod dito, inaasahang magkakaroon na rin ng ‘sharing of information’ sa pagitan ng BIR at NBI na nasa ilalim ng DOJ.

Ayon kay Secretary Aguirre, maglalabas ng letter of authority ang BIR upang mabigyan ng pahintulot ang mga tauhan ng ahensya na mabusisi ang accounting records ni Bautista at iba pang nilalaman ng affidavit ng maybahay nito na si Patricia.

Una nang sinimulan ng NBI ang kanilang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa Comelec chief.

Nakipag-ugnayan na rin ang NBI sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang siyasatin ang sinasabing nasa tatlompung bank accounts na nabanggit ni Patricia Bautista na pagmamay-ari umano ng mister nito.

Read more...