Contingency plans para sa mga Pinoy sa Guam at South Korea, nakalatag na-DFA

By Jay Dones August 14, 2017 - 04:25 AM

 

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga nakalatag nang mga plano para sa mga Pilipinong nasa Guam at South Korea kung sakaling kailanganing ilikas ang mga ito.

May kaugnayan ang preparasyon ng DFA sa patuloy na palitan ng mga banta ng North Korea at Amerika na nagpapainit ng tensyon sa naturang rehiyon.

Kabilang sa mga planong nakalatag ay ang paglilikas sa mga Pinoy na nasa Guam at South Korea sa pamamagitan ng mga chartered plane pabalik sa bansa.

Nanawagan rin ang DFA sa Amerika at North Korea na manatiling mahinahon upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Matatandaang noong nakaraang linggo, lalo pang tumaas ang tensyon nang sabihin ng North Korea na handa silang magbagsak ng mga ballistic nuclear missile sa Guam.

Sinagot naman ito ni US President Donald Trump sa pagsasabing makakatikim ng ‘ngitngit at apoy na hindi pa nito natitikman’ ang North Korea kung gagawin nito ang kanilang banta.

Sa kasalukuyan, may tinatayang 65,000 Pinoy ang nasa South Korea samantalang mahigit 42,000 naman nakabase sa Guam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.