Abu Sayyaf sub-leader, patay sa engkwentro sa Sulu

By Mariel Cruz August 13, 2017 - 03:29 PM

Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang sub-leader ng Abu Sayyaf group sa isang engkwentro sa Sulu, gabi ng Sabado.

Ayon kay Brig. Gen. Cirlito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, napatay ng Marines si Abu Sayyaf sub-leader Bagong Muktadil sa isang engkwentro sa Barangay Silangkan, sa bayan ng Parang hatinggabi ng Sabado.

Naka-engkwentro aniya ng pwersa ng Marines ang grupo ni Muktadil na nakasakay sa isang Jungkong type na watercraft.

Sinabi ni Sobejana na isinagawa nila ng operasyon matapos makakuha ng impormasyon mula sa mga residente ukol sa presensya ng mga bandido sa lugar.

Dinala na sa isang ospital sa bayan ng Jolo ang bangkay ng bandido.

Ayon kay Sobejana, pinaniniwalaan na ang grupo ni Muktadil ang nasa likod ng naganap na seajacking sa isang Taiwanese vessel sa Pearl Bank, Tawi-Tawi noong nakaraang Pebrero, at ang pagdukot sa isang Taiwanese national noong Nobyembre 2013.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.