Defense Department, tinututukan din ang banta ng North Korea na atakihin ang US

Naka-alerto na ang Department of National Defense o DND sa ilulunsad na missile attack ng North Korea sa Estados Unidos.

Iyan ang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa harap nang banta ng NOKOR na magsagawa ng missile strike sa Guam na bahagi ng teritoryo ng Amerika.

Sa ngayon aniya ay minomonitorna anila ang anumang development sa naturang rehiyon.

Sinabi ng opisyal na posible silang magpatupad ng no-sail zone sa mga coastal areas sa bansa at malabas ng alert advisories sa mga local government units.

Read more...