WATCH: Panibagong litrato ni Arci Muñoz na pansin ang pagbabago sa kanyang itsura, viral muli sa social media

By Mariel Cruz August 13, 2017 - 02:06 PM

Matapos pag-usapan ang tila bagong itsura ni Arci Muñoz dahil sa umano’y pagpaparetoke, usap-usapan muli ngayon sa social media ang panibagong post ng isang netizen na nagpapakita ng tunay na itsura na ngayon ng aktres.

Isang video at ilang larawan ni Arci ang ipinost ng netizen na si Josah Langcay sa kanyang Facebook account na agad na umani ng libu-libong likes at shares.

Ayon kay Langcay, nasa Tuguegarao si Arci noong gabi ng Sabado, August 12 para dumalo sa isang event.

Isa aniya sa mga guest sa Patronal Fiesta ang aktres.

Sinabi ni Langcay na bago ang guesting, dumiretso si Arci sa Tuguegarao City Hall kung saan sinalubong siya ni acting Mayor Bienvenido De Guzman II.

Makikita sa mga larawan na tila mayroong ngang pagbabago sa itsura ni Arci.

Marami sa mga netizen ang nag-komento sa naturang post, kung saan karamihan sa mga ito ang nagsabi na tila female version ng aktres ang namayapang si Michael Jackson.

Marami din ang nadismaya kay Arci dahil anila, maganda na ang itsura nito noon bago pa man lumutang ang naturang mga larawan ng aktres na nagpapakita ng kakaiba sa kanyang mukha.

Mas mainam anila na hindi na ginalaw ni Arci ang kanyang mukha na ngayon ay pansin na pansin ang malaking pagbabago.

Sa mga oras na ito, ay patuloy na umaani ng libu-libong likes at shares ang naturang post ni Langcay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.