Mga planta ng kuryente sa Batangas hindi apektado ng lindol
Tiniyak ng Department of Energy na hindi naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Nasugbu, Batangas kahapon ang kanilang powerplants.
Ayon sa DOE, maayos pa rin ang kondisyon at normal ang operasyon ng mga planta sa lalawigan, kabilang na ang Malampaya powerplant.
Hindi naman inaasahan ang anumang power interruption sa Metro Manila at Calabarzon dahil hindi rin napinsala ng pagyanig ang mga linya ng kuryente.
Inatasan naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi ang National Grid Corporation of the Philippines na patuloy na bantayan ang mga power facilities mula sa posibleng pinsala.
Kahapon ay kaagad na nagsagawa ng inspeksyon sa mga linya ng kuryente ang mga tauhan ng Energy Department makaraan ang malakas na lindol na tumama sa lalawigan ng Batangas at mga kalapit na lalawigan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.