Nakalatag na ang plano ng Office of the Civil Defense (OCD) na magpatupad ng “no sail zone” sa ilang lugar sa bansa kapag itinuloy ng North Korea ang balak na missile attack sa Guam.
Sa inilabas na advisory ng OCD, kanilang sinabi na bagaman walang direktang banta ang NoKor sa Pilipinas ay posibleng umabot pa rin sa bansa ng mga debris ng missile attack kung sakaling matuloy man ito.
Sinabi ni Department of National Defense Spokesman Usec. Arsenio Andolong, patuloy ang kanilang ugnayan sa Armed Forces of the Philippines sa pagkuha ng mga impormasyon sa posibleng daanan ng missiles mula sa North Korea.
Nauna rito ay sinabi ng NoKor na tuloy ang kanilang gagawing pag-atake sa Guam.
Kaagad naman itong sinagot ni U.S President Donald Trump kung saan ay kanyang sinabi na pagsisisihan ng North Korea ang kanilang missile attack kung ito ay kanilang itutuloy.