Iloilo City next target ni Espenido

By Den Macaranas August 12, 2017 - 11:48 AM

Inquirer file photo

Gusto ni Ozamis City Police Chief Jovie Espenido na subukin ang kapanyarihan ng panginoon na ilang beses na umanong nagbigay sa kanya ng gabay sa kanyang mga inilunsad na police operations.

Sa pagkakataong ito ay kanyang sinabi na gusto niyang maitalaga bilang hepe ng pulisya sa Iloilo City.

Sa isang panayam, sinabi ni Espenido na marami na siyang nakukuhang impormasyon kaugnay sa umano’y paglipana ng droga sa nasabing lungsod na tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “most shabulized” city sa bansa.

“Ang una kong gagawin ay kakausapin si mayor at sa kanya gusto kong marinig kung gaano kalala ang drug problem sa lugar”, pahayag ni Espenido.

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na welcome sa kanilang lungsod na maging hepe ng PNP si Espenido.

Sinabi rin ng alkalde na pinsan ni Sen. Franklin Drilon na gusto niyang ipakita kay Espenido ang kanilang ginagawang kampanya kontra sa iligal na droga.

TAGS: drugs, duterte, espenido, Iloilo, leyte, mabilog, ozamis, PNP, drugs, duterte, espenido, Iloilo, leyte, mabilog, ozamis, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.