Tiniyak ng Department of Agriculture na ligtas kainin ang mga manok at iba pang poultry supply sa bansa basta’t ito’y lulutuin ng husto.
Sinabi DOH Spokesman Dr. Eric Tayag na iwasan muna sa kasalukuyan ang pagkain ng mga half-cooked na chicken o bird products at soft boiled na mga itlog.
Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang human transmission ng avian flu partikular na sa lalawigan ng Pampanga kung saan nauna itong namonitor ng kagawaran.
Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na apektado ng avian o bird flu ang bayan ng San Luis sa nasabing lalawigan kung saan ay kanilang inalerto pati na rin ang mga kalapit na lalawigan sa Central Luzon.
Sa lalawigan ng Pampanga nagmumula ang maraming suplay ng manok at itlog na ibinebenta sa Metro Manila at Central Luzon.