Nakamamatay na itlog nagkalat ngayon sa Europa

Inquirer photo

Labing-limang bansa bansa sa Europa maging ang HongKong at Switzerland ang pinangangambahang nakapag-import ng mga itlog na kontaminado ng insecticide na “Fipronil”.

Magpapatawag ng meeting ang European Union sa mga ministers at regulators para na rin ipanawagang ihinto ang sisihan ng mga bansa.

Nagkakainitan ngayon ang Germany, Belgium, at the Netherlands na tatlong bansa na epicenter din ng krisis.

Napag-alamang ang mga itlog na nagtataglay ng Fipronil ay nagmula sa Netherlands.

Ang Fipronil ay isang substance na ginagamit para patayin ang mga kuto at garapata ng mga poultry animals na isinailalim ng EU sa ban para sa kanilang food products.

Maaring ikasira ng atay, bato at thyroid glands ang naturang substance kapag nakain ng maramihan.

Ang mga bansa na nakaanggap ng mga kontaminadong itlog ay UK, Sweden, Austria, Ireland, Italy, Luxembourg, Poland, Romania, Slovenia, Slovakia, Denmark, HongKong at Switzerland. / Rhommel

Read more...