Sapat na gamot para sa mga tatamaan ng bird flu tiniyak ng DOH

By Mark Makalalad August 12, 2017 - 08:52 AM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Health na handa sila pagbibigay ng anumang tulong na kakailanganin ng Department of Agriculture sa pag-imbestiga ng avian flu sa Pampanga.

Ito’y kasunod na rin ng anunsyo ng D.A  na mayroon nang outbreak ng avian influenza virus sa bayan ng San Luis kung saan 37,000 na ibon na ang nasawi.

Ayon sa DOH nagpadala na sila ng mga epidemiologist para tulungang mag-imbestiga ang Department of Agriculture.

Inalerto na rin daw nila ang mga pagamutan sa lugar na agad na ipaabot sa kanila ang kahalintulad na kaso. Dagdag pa ng ahensya na mayroon silang sapat na mga anti-flu medications at mga kagamitan na maaaring nilang ipaubaya sa mga iba’t-ibang regional heatlh offices at hospitals nila sa buong bansa.

Samantala, sinabi naman ng DA na wala pang napapaulat na mayroon nang poultry to human contamination ng nasabing sakit.

Itinuturing ng DA na ‘contained’ na ang outbreak at nanawagan sa mga kalapit na lalawigan na magpatupad ng quarantine measures upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na aabot sa 200,000 mga manok ang nakatakdang patayin para matiyak na hindi ito makakahawa sa mga tao.

Babayaran naman ng D.A ng P80 ang bawat manok na papatayin ayon pa kay Piñol.

TAGS: avian flu, Bird Flu, Department of Agriculture, Pampanga, avian flu, Bird Flu, Department of Agriculture, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.